Kylie Padilla at 7 mos copy copy

NAPAKAGANDANG buntis ni Kylie Padilla. At seventh month of pregnancy, nag-post siya para sa isang maternity shoot, at kita mo ang happiness niya habang papalapit na ang pagsisilang sa baby nila ni Aljur Abrenica.

“Gusto ko sanang bumalik sa Encantadia dahil may mga binuhay silang patay na, pero hindi na p’wede,” natatawang wika ni Kylie. “Nami-miss ko ang aming telefantasya na natutuwa ako dahil kahit wala na ako, parang binuhay nila ako sa pamamagitan ng isang rebulto na ipinatayo nila sa gitna ng palasyo ng Lireo. May mga flashbacks din sila ng mga eksena ko dati at sa pagbuhay nila ng katauhan ko kay Ariana (Arra San Agustin).

“Na-miss ko rin ang magandang samahan namin sa show, lalo pa at sama-sama kami madalas noon sa isa lamang location sa studio. Bonding, kaya nga natutuwa ako kapag iniimbita nila akong lumabas at muling makasama sina Danaya (Sanya Lopez), Pirena (Glaiza de Castro) at Alena (Gabbi Garcia), saka iyong dalawa kong makulit na anak na sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kaye Valdez) na anak talaga ni Pirena sa story. Nakakalungkot din na magtatapos na ang Encantadia in two weeks. Sigurado ko ang separation anxiety na nararamdaman ng buong cast.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ginanap ang maternity shoot sa @museodepadilla sa pamamagitan ng @vidanes_cm. We heard na nagpapatayo ng sarili nilang bagong bahay sina Aljur at Kylie. Sa July na ang expected date with the stork ni Kylie at uuwi raw dito sa bansa ang kanyang Mommy Liezl niya para sa kanyang pagsisilang. (Nora Calderon)