CAMILING, Tarlac - Isang magsasaka ang sabit sa kasong pang-aabuso matapos niya umanong gapangin sa kuwarto at abusuhin ang isang pitong taong gulang na babae sa Barangay Carael, Camiling, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 2:30 ng umaga nang pasukin umano ni Rodolfo Sagun, 49, taga-Bayambang, Pangasinan at pansamantalang nakatira sa Bgy. Bilad, Camiling, ang biktima sa kuwarto.

Natutulog noon ang bata katabi ang ina at dalawang kapatid nang molestiyahin umano ng suspek hanggang sa magising ang ginang at magsisigaw.

Tumakas si Sagun ngunit kaagad ding nadakip ng mga opisyal ng barangay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog