Tiniyak kahapon ng Philippine National Police (PNP)-Crime Laboratory na ligtas sa pagnanakaw at recycling ang mga droga na nasa kanilang kustodiya.
Sinabi ni Supt. Victor Grapete, hepe ng Chemistry Division ng PNP-Crime Lab, na hindi madaling mailalabas ang mga nakumpiskang droga, dahil may tatlong susi ang Evidence Room.
Ibinahagi rin niya na halos isang tonelada ng ipinagbabawal na gamot ang kanilang iniingatan sa Evidence Room, na dumami nang dumami dahil sa kawalan ng Court Order para sunugin na ang mga ito.
Sa katunayan, ayon pa sa opisyal, may kaso pa silang hawak na noon pang 1977, pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos kung kaya’t hindi nila mai-dispose ang ebidensiya. (Fer Taboy)