Nangako ang gobyerno na iimbestigahan ang sinasabing extrajudicial killings (EJKs) sa bansa makaraang magpahayag ng matinding pagkabahala ang ilang bansang miyembro ng United Nations (UN) sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Ito ang siniguro ni Presidential Spokesman Ernesto Abella bagamat bahagya niyang sinisi ang “media hype and media noise” sa maling pagkakaunawa ng ilang miyembro ng international community sa kampanya ng gobyerno kontra droga.

“We will investigate everything that needs to be investigated,” sinabi ni Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon. “Everything is subjected to due process.”

Gayunman, iginiit ni Abella na nagkaroon ng “misunderstanding” tungkol sa pagpupursige ng pamahalaa laban sa droga dahil sa mga maling ulat na ipinakalat ng mga kritiko at ng ilang kumpanya ng media.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Binigyang-diin niya ang pahayag ni Senator Alan Cayetano na nalinlang ang publiko sa sinasabing “sudden wave of state-sponsored extrajudicial killings” sa bansa.

“The review is actually wanting to know the accountability that we have and so that’s exactly what we are trying to present now,” ani Abella.

“I supposed our situation has been overtaken by the media hype and media noise and apparently a concerted effort in trying to create a noise that is beyond what is really there,” dagdag niya.

Nasa 45 miyembro ng UN ang nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas para imbestigahan ang sinasabing serye ng extrajudicial killings na iniuugnay sa drug war ng pamahalaan.

Ginawa ang apela matapos na idepensa ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ni Cayetano, ang human rights record nito sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland. (GENALYN D. KABILING)