NAMPICUAN, Nueva Ecija - Natusta ang 11 kambing at 14 na sako ng pataba makaraang sunugin ng mga hindi nakilalang lalaki ang isang kubo sa gitna ng bukid sa Barangay Tony sa Nampicuan, Nueva Ecija nitong Sabado.

Batay sa salaysay sa pulisya ni Robert Guzman y Sabado, 37, magsasaka, may asawa, wala siyang alam na dahilan para sunugin ang kanyang kubo, at nadamay pa tuloy ang mga alaga niyang kambing at ang saku-sakong pataba para sa kanyang mga tanim.

Patuloy ang pagsisiyasat ni SPO2 Richard Domingo, ng Nampicuan Police, at ng lokal na Bureau of Fire Protection (BFP) sa insidente. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito