DANIEL copy copy

FRESH na fresh ngayon ang aura ni Daniel Padilla na isa sa surprise friends ni Boy Abunda nang mag-guest ang huli sa Magandang Buhay. Nakatulong daw yata ang pagbabakasyon niya sa Japan dahil nakapag-recharge siya nang husto.

Aware si Daniel sa sunud-sunod na banat sa kanya ngayon dahil sa pagkanta niya sa coronation night ng Binibining Pilipinas. Pawang negatibong komento rin ang napapala ng sikat na aktor nang lumabas ang video niyang kuha sa Japan habang niyuyugyog ang puno ng cherry blossom.

Pero dedma lang naman si Daniel at ayaw na niyang patulan pa ang anumang komento ng bashers. Aniya, wala rin naman siyang mapapala kung papatulan niya ang mga ito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Mas nakatuon ang pansin ni Daniel sa walang patid pa ring buhos ng biyaya sa kanya.

Habang humahakot ng daan-daang milyong kita sa takilya ang latest movie nila ni Kathryn Bernardo na Can’t Help Falling In Love, siya ang hinirang na Box Office King 2016.

Pangalawang pagkakataon na ito na ipinagkaloob sa kanya ng Guillermo Foundation ang nasabing award. Bukod pa sa pagiging Box Office King, siya rin ang tinaguriang King of Hearts ng local showbiz.

Pero kung siya lang daw ang masusunod, ayaw na ayaw niya ng mga “title-title” na ganyan. Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa mga tao at institusyon na nagbibigay sa kanya ng recognition.

Nagsisilbing inspirasyon daw ang mga pagpapahalagang ito para pagbutihan pa niyang lalo ang pagiging artista niya.

“Hindi na rin kasi bagay sa akin ang Teen King, hindi na tayo teenager,” napatawang banggit pa ng anak ni Ms. Karla Estrada. (JIMI ESCALA)