sHAron copy

CURIOUS ang mga nakabasa sa post ni Sharon Cuneta sa Facebook kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon dahil kinailangan pa niyang umalis ng bansa noong Mayo 3 at planong magtagal doon.

 

Naisip ng ibang followers ng Megastar na baka gusto lang niyang magpahinga, pero bakit nagso-solo siyang bumiyahe.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Muling nag-post si Sharon noong Sabado ng, “moving on!!! I went on a tour of houses for sale kanina. So beautiful here. Might just end up being one of those cities I can stay in once a year out of 3 or 4 places pa someday. Hope you’re all okay! God bless us all and lots of love.”

Pagkalipas ng ilang oras, muli siyang nag-post ng,”It would be so wonderful to have my family just come...and live here with me. (And my brother and his family would have to come too, for me to feel truly complete.)”

Base sa mga komento ng followers ni Sharon, baka na-burn out lang daw at kailangan niyang magpahinga at may nagsabing nagso-soul searching ang aktres.

May nagkuwento naman sa amin na baka nalungkot na naman si Sharon dahil baka hindi na naman matutuloy ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema dahil wala siyang leading man.

Matatandaang umurong na si Gabby Concepcion na busy sa GMA-7 at bukod pa sa humihingi ng mataas na talent fee.

 

Anyway, hindi mo aakalain na ang napapanood na ang saya-sayang Sharon Cuneta sa TV screen ay malungkot pala sa likod ng kamera. (REGGEE BONOAN)