PAGKAKALOOBAN ng dagdag na biyaya at pribiliheyo ang mga Pilipinong atleta na nagwagi sa international competition.

Ito ang pinag-aaralan ngayon ng House Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Rep. Gus Tambunting (2nd District, Parañaque City).

Lumikha si Tambunting ng isang Technical Working Group (TWG) para pag-aralang maigi ang panukala para sa kapakanan at kabutihan ng Pinoy athletes.

Ang TWG ay pamumunuan ni Rep. Mark Aeron Sambar (Party-list, PBA) para suriing mabuti ang House Bill 299 o ang proposed “Professional Filipino Athletes Health Care, Retirement and Death Benefits Act.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang panukala nina Rep. Horacio Suansing Jr. (2nd District, Sultan Kudarat) at Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija) ay naglalayong magkaloob ng pangangalagang pangkalusugan, retirement at death benefits sa professional Filipino athletes, na nanalo sa pandaigdigang professional sports competitions o sa iba pang kauring prestihiyosong paligsahang pandagidig bilang pagkilala sa dangal na naibigay nila sa bansa.

“Indeed, our champions deserve to receive adulation throughout their lives. But I strongly believe they should also receive concrete benefits and privileges,” ani Suansing. (BERT DE GUZMAN)