Kasalukuyang tinutugis ang limang katao na isinasangkot sa madugong pagpapasabog sa isang peryahan sa Quiapo na ikinasugat ng 13 katao noong Biyernes.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Joel Coronel, ang mga tinutugis ay pawang taga-Maynila.

“We have five persons of interest already, and we have gathered statements showing or indicating that these suspects are all residents of Manila, so it does not, in any manner, indicate any involvement of ISIS or any other threat groups in the southern Philippines,” ayon kay Coronel. “So most likely domestic or local peace and order problem lang.”

Ayon kay Coronel, nakumpirma sa imbestigasyon ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng MPD na homemade pipe bomb ang ginamit sa insidente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sa 13 biktima, anim sa mga ito ay nakalabas na sa ospital habang patuloy na nagpapagaling ang pitong iba pa ngunit ligtas na sa kapahamakan, kinumpirma ni Coronel. (Jaimie Rose Aberia at Mary Ann Santiago)