JERUSALEM (AFP) – Sinabi ng isang Israeli minister nitong Linggo na pumayag ang 300 Palestinian na tapusin na ang halos dalawang linggo nilang hunger strike na inilunsad bilang protesta sa hindi makataong kondisyon sa kulungan.

Gayunman, sinabi ng Palestinian Authority at ng Palestinian NGO the Palestinian Prisoners’ Club na 1,500 preso ang nagpatuloy sa kanilang pag-aayuno sa mga bilangguan sa Israeli.

Nagkasundo ang 300 hunger striker ‘’to take food without having obtained’’ ang kanilang mga hinihiling, sinabi ni Israel internal security minister, Gilad Erdan, sa radyo ng militar.

‘’Negotiations are out of the question,’’ aniya, idinagdag na 920 presong Palestinian ang nagpapatuloy sa kanilang hunger strike na nagsimula noong Abril 17. Hinihiling ng mga preso ang maayos na medical care at pagkakataong makagamit ng telepono.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture