TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang solterong tricycle driver na hinihinalang tulak ang nadakip makaraang makuhanan ng ilegal na droga makaraang magpatupad ng search warrant ang mga awtoridad laban sa kanya sa Obra Subdivision sa Barangay Poblasyon, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Biyernes.

Kulong at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Fredson Duldulao Guerrero, 49, binata, tricycle driver, at residente sa lugar, matapos makumpiskahan ng dalawang may kalakihang sachets ng hinihinalang shabu, ayon kay Senior Insp. Arnel Legada. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog