Muling pinatunayan ng mga Pilipino ang pagiging magiliw sa mga panauhin nang mapabilang ang apat na isla ng Pilipinas sa listahan ng “World’s Friendliest Islands” ng international magazine na Travel + Leisure.

Pawang isla ng Pilipinas ang nasa top 4 ng 2016 list ng World’s Friendliest Islands ng New York-based magazine.

Nanguna ang Palawan sa listahan, na sinundan ng Cebu, Luzon, at Boracay.

“People are very welcoming, respectful, and friendly,” paglalarawan ng mambabasa ng Travel + Leisure sa Palawan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“While the politics of the nation have grown ever-more volatile, the people of the islands remain friendly to visitors exploring their scenic home. For many travelers, it’s especially helpful that English is one of the official languages of the Philippines, and that islanders are so welcoming of tourists,” saad ni Jess McHugh, manunulat ng magazine.

Kabilang din sa listahan ang Caye Caulker sa Belize (ika-15); Exhumas, Bahamas (14th); Bora-Bora sa Tahiti (13th); Paros, Greece (12th); Moorea, French Polynesia (11th); Great Barrier Reef Islands (10th); Bali, Indonesia (9th); Fiji Islands (8th); Tasmania, Australia (7th); Ischia, Italy (6th); at Waiheke, New Zealand (5th).

Ang listahan na ito ay batay sa isinagawang survey ng magazine sa mga mambabasa tungkol sa kanilang karanasan sa mga napuntahang isla sa buong mundo. (Airamae Guerrero)