GLADYS AT BIANCA SA BABY SHOWER copy

AYON sa OB-Gyne ni Gladys Reyes, sa Mayo 8 na siya manganganak. Kaya hanggang ngayong linggo na lang siya papasok sa MTRCB na isa siya sa na-retain bilang board member.

Paghahandaan na niya ang kanyang panganganak sa pangatlong lalaki sa apat na anak nila ni Christopher Roxas.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Gladys sa kanyang baby shower na ginanap sa Mirror Garden Events sa Marikina at in-organize ng kanyang friend na si Bianca Lapuz.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Dumating ang halos lahat ng mga inimbitang malalapit na kaibigan at siyempre present lahat ng mga kapamilya niya.

Dumalo ang kanyang showbiz friends sa pangunguna ni MTRCB Chief Rachel Arenas kasama ang mga kasamahan nila sa board.

Siyempre, present sina Angelu de Leon, Wowie de Guzman, Donita Rose at iba pang mga artista na isa-isang nagbigay ng mensahe kay Gladys. Hindi nakarating ang isa sa mga importanteng bisita ni Gladys, ang best friend niyang si Judy Ann Santos na may first taping para sa magbabalik telebisyon na Bet On Your Baby.

Ayon pa kay Gladys, magiging maayos at hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang panganganak ngayon dahil tuluy-tuloy ang pag-eehersisyo niya. Banggit pa sa kanya ng kanyang doktor, malaking advantage pa rin daw ang madalas niyang pagpapa-chiropractor, huh!

Kung siya raw ang masusunod, tama na ang apat na anak. Pero mukhang hihirit pa raw ang hubby niya pero hindi niya alam kung kakayahin niya ang isa pa, huh!

Gavin Cale ang magiging pangalan ng pang-apat nilang supling. Ang ibig sabihin daw ng Gavin ay “white hawk” at ang Cale naman ay “brave at faithful”. (JIMI ESCALA)