Jennylyn Mercado (1) copy copy

SIMULA sa Linggo, Abril 30, muling magbabalik si Jennylyn Mercado para ibahagi ang kanyang kitchen escapades sa second season ng Everyday Sarap with CDO ng GMA News TV at CDO Foodsphere, Inc.

Alamin kung paano gumawa ng masarap pero affordable dishes para sa buong pamilya gamit ang ilan sa mga produkto ng CDO tulad ng CDO Ulam Burger, CDO Idol Cheesedog, CDO Liver Spread at Danes Cheese Block.

Ayon kay Jennylyn, excited siya sa pagbabalik niyang muli bilang host ng programa. Kaya nagpapasalamat siya sa suporta ng mga manonood at ng CDO.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“I feel happy na madami ang nag-enjoy sa show and grateful ako sa CDO na kinuha nila ako ulit kasi naramdaman ko na mahal nila yung show,” sabi ng actress/TV host/singer.

Bukod sa pagtatampok sa kanyang hilig sa pagluluto ng masusustansiya at kakaibang lutuin, mas marami rin ang tsikahang ipinangako ni Jen dahil sasamahan siya ng guest Kapuso stars.

“Now that I am more creative in making dishes, mas madami kaming dishes na lulutuin for you at definitely mas madaming kwentuhan at chikahan ang mapapanuod sa aming second season,” aniya.

Dadalhin din ni Jennylyn ang kanyang cooking expertise to a whole new level dahil sa food facts at trivia na kanyang ibabahagi sa mga manonood.

Ang Everyday Sarap with CDO ay mula sa direksiyon ni Noel Añonuevo.

Tuklasin ang mga pinakabagong dishes sa Everyday Sarap with CDO simula Abril 30, mula Lunes hanggang Biyernes 11:00-11:10 am, 3:00-3:10 pm and 7:00-7:10pm; Sabado 1:15-1:25 pm, 3:00-3:10 pm and 6:05-6:15pm; at Linggo 12:45-12:55pm, 4:50 to 5:00 pm and 5:30-5:40pm on GMA News TV.

Sundan ang latest updates ng Everyday Sarap with CDO sa kanilang official Facebook page na facebook.com/everydaysarapwithCDO.