BALUNGAO, Pangasinan - Patay agad ang isang dating barangay kagawad matapos siyang barilin ng hindi nakilalang armado sa Barangay Dolores, Quirino, Isabela.

Ayon sa ulat ng Quirino Police, dakong 9:40 ng gabi nitong Lunes at pauwi na si Rodante Agramon, 46, dating kagawad ng Bgy. Dolores, Quirino.

Nanggaling sa pistahan sa Bgy. Manaoag sa Quirino, sakay si Agramon sa Honda XRM motorcycle (1582-BH) nang sundan at barilin siya ng suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!