SA obserbasyon ng isang kaibigan niAra Mina, nagkabalikan ang aktres at si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. 

Ayon sa friend ni Ara na isa ring aktres, kahit hindi pa raw ito umaamin sa kanya ay halatang-halata naman sa mga ikinikilos nina Ara at Mayor Patrick na nagkabalikan sila. 

Kuwento ng aming source na isa sa pinakamalalapit na kaibigan ni Ara, madalas isama ni Ara si Mayor Patrick sa mga lakad nilang magkakabarkada.

Sa huling lakad nga raw nila nitong nakaraang Holy Week, very sweet sina Ara at Mayor Patrick habang kasama ang anak nilang si Amanda Gabrielle. 

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Dahil sa namamasdang ito, panay tuloy ang tanong sa kanya ng marami nilang kaibigan kung nagsasama na ulit sa iisang bubong sina Ara at Mayor Patrick. 

“Wala naman akong maisagot sa kanila dahil wala pa namang inaamin sa akin si Ara and, in fairness din naman, ayoko rin naman siyang tanungin kung sila na nga ba ulit ni Mayor Patrick. Pero sabi nga, action speaks louder than words,” sey pa ng aktres na kausap namin. 

Dagdag pang kuwento niya, maging sa kuhang pictures habang magkasama sina Ara at Patrick Meneses ay kapansin-pansin din ang pagiging sweet ng dalawa sa isa’t isa. 

“Siguro sa ngayon, eh, hayaan na lang muna natin ang dalawa. Kung sila na nga, eh, sooner or later, aaminin din naman ni Ara ang totoo. Kilala ko naman ‘yan, hindi ‘yan mahilig magtago,” banggit pa ng source.

Pabiro pang sabi ng aktres, baka raw magkaroon ng kapatid si Amanda Gabrielle, aminin na nina Ara at Mayor Meneses na nagkabalikan sila.

Ang sabi ni Ara sa huling interview namin sa kanya noong kaarawan ng daughter nila, hindi na raw siya umaasang magkakabalikan sila. 

“Hindi na ako umaasa na babalikan niya ako. Tanggap ko na naman. Two years na ‘yun. Kung babalikan niya ako, dapat may move na ngayon. Masakit ‘yung nangyari na iniwan niya ako pero I think we need to move on,” sey pa noon ni Ara.

(JIMI ESCALA)