WISCONSIN,SYDNEY, WELLINGTON (AP) — Itinaas ng United States, Australia at New Zealand, pawang paboritong destinasyon ng mga immigrant, ang kanilang pamantayan sa pag-iisyu ng visa at paggawad ng residency o citizenship sa mga nagnanais magtrabaho at manirahan sa kanilang bansa.
Ipinunto ng tatlong bansa na kailangan nila itong gawin upang protektahan ang kanilang sariling mamamayan na naagawan ng trabaho ng mga banyagang manggagawa.