Apat na pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang barangay kagawad sa buy-bust operation sa Makati City, nitong Martes ng hapon.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Virgio Sombero Awit, Jr. 59, ng No.155-R 19th Avenue, Barangay East Rembo.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., ganap na 4:05 ng hapon isinagawa ng Makati City Police ang operasyon laban sa suspek sa C-5 Road, Bgy. East Rembo.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500, at nang matanggap umano ni Awit ang pera ay agad ding iniabot ang shabu na nagsilbing hudyat ng mga awtoridad upang dakmain at arestuhin ang kagawad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober sa suspek ang apat na pakete ng umano’y shabu at ang P1,500 marked money. (Bella Gamotea)