ST. LOUIS (AP) — Sinuspinde ng Major League Baseball si Pittsburgh Pirates All-Star outfielder Starling Marte bunsod ng pagpositibo sa performance-enhancing drug.

Ayon sa liga nitong Martes, nagpositibo si Marte sa ipinagbabawal na gamot na steroid Nandrolone. Makababalik siya sa Hulyo.

Mula sa pagiging left fielder naglaro sa center field ang 18-anyos na Marte sa All-Star.

“With much embarrassment and helplessness, I ask for forgiveness for unintentionally disrespecting so many people who have trusted in my work and have supported me so much,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I promise to learn the lesson that this ordeal has left me.”

Ikinadismaya naman ni Pirates president Frank Coonelly ang kaganapan sa career ni Marte.

“Disappointed that Starling put himself, his teammates and the organization in this position. We will continue to fight for the division title with the men who are here,” sambit ni Coonelly.

Makababalik si Marte sa July 18 sa home game kontra Milwaukee, ngunit mawawaldas niya ang 91 araw sa kanyang US US$5 milyon na suweldo.