awra copy copy

MASAYANG-MASAYA si Awra nang tanghaling kauna-unahang bagets na nagwagi sa Your Face Sounds Familiar.

Ayon kay Awra nang mag-guest sa programang Tonight With Boy Abunda, ipinagdasal niya na siya ang makakuha ng grand prize dahil gusto niyang makapag-save para sa kanyang future.

Dagdag ni Awra, aware siya sa sinasabi ng marami na ang pag-aartista ay hindi pangmatagalan, na panandalian lang ang kasikatan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya kailangan daw niyang makapag-ipon at makatulong sa kanyang mga mahal sa buhay. Siyempre, dahil kasama sa mga premyong nakuha niya ang house and lot, meron nang sariling bahay ngayon ang pamilya niya.

Tao lang naman na nagpakatotoo na sabihin niyang nagtampo siya kay Vice Ganda. Bago raw kasi ginanap ang finale ng Your Face Sound Familiar ay ka-text niya si Vice. Pero biglang hindi na lang daw nagti-text back sa kanya kaya walang linaw kung tutuparin nito ang pangako sa kanya na manonood ng Your Face Sounds Familiar.

Pero nabura din naman agad ang tampo niya nang makausap niya si Vice pagkatapos mag-post ng It’s Showtime host na masaya ito sa pagkakanalo niya. Naintindihan din niya ang dahilan ni Vice kung bakit hindi ito nakarating sa YFSF.

Gusto nito na maging moment ni Awra ang gabing iyon at ayaw nitong may masabing nanalo siya Awra dahil dito.

Bukod sa walang dudang talented, tunay na napakasuwerte ni Awra, dahil simula nang madiskubre sa YouTube at makasama sa cast ng Ang Probinsiyano ay umarangkada agad ang career niya.

Malaking suwerte ring matatawag na mahal na mahal siya ng big stars ng ABS-CBN sa pangunguna nina Vice at Coco Martin na parehong very proud sa pagkapanalo niya. (Jimi Escala)