Nasa 314 na aftershocks ang naramdaman sa Lanao Del Sur hanggang kahapon kasunod ng magnitude 6.0 na lindol sa lalawigan nitong Miyerkules.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Cagayan De Oro, ang aftershocks ay resulta ng malakas na lindol na yumanig sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur, at Kalilingan sa Bukidnon nitong Miyerkules.

Nagbabala rin si Phivolcs-Cagayan de Oro Station Head Marcial Labininay sa mga apektadong residente na asahan na at maging handa sa pagpapatuloy ng aftershocks sa mga susunod na araw.

“Of the hundreds of shocks, only 13 were felt, while 58 were plotted as they registered a magnitude,’’ ani Labininay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Animnapu’t dalawang taon na ang nakalilipas nang huling yanigin ng malakas na lindol ang Lanao del Sur.

Umabot sa 400 katao ang nasawi nang yanigin ng 7.5 magnitude ang probinsiya noong Abril 1, 1955. - Chito A. Chavez