Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry Service System ngayong Martes, pagkukumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, bagamat walang operasyon ngayong araw ang Pasig Ferry System, bibiyahe naman ito bukas, Abril 12, at sa Huwebes, Abril 13, upang serbisyuhan ang mga magbi-Visita Iglesia.

Hindi nilinaw ng MMDA ang sanhi ng suspensiyon ng operasyon ngayong araw ngunit posibleng may kinalaman ito sa pagmamantine sa mga ferry boat.

Inaasahang babalik sa normal ang operasyon sa Lunes, Abril 17. (Bella Gamotea)

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'