Idiniretso sa selda ang isang lalaki matapos umano niyang suntukin ang kanyang live-in partner sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Anthony Garcia, 36, ng Bangayngay Street, sa Barangay 12, Caloocan. Habang tumanggi naman ang biktima na siya’y pangalanan.

Base sa imbestigasyon, sinuntok ni Garcia ang kanyang misis habang sila’y kumakain ng hapunan sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. 12, Caloocan, dakong 8:30 ng gabi.

Sa nasabi ring imbestigasyon, napag-alaman na nagtalo ang mag-asawa. Sa gitna ng kanilang pag-aaway, sinuntok ni Garcia sa mukha ang biktima.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ayon sa biktima, pinalalayas siya ni Garcia, ngunit siya’y tumanggi. Ito ang dahilan upang muli siyang makatikim ng suntok mula kay Garcia na naging sanhi ng pagdugo ng kanyang ilong.

Nagtungo ang biktima sa barangay at ini-report ang insidente na naging sanhi ng pagkakaaresto kay Garcia at siya’y dinala sa Caloocan Police.

Nakiusap pa umano ang suspek sa biktima na huwag ituloy ang pagsasampa ng kaso. Gayunman, pagod na umano ang biktima sa mga pang-aabusong naranasan mula sa kamay ni Garcia.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Caloocan Police headquarters. (Jel Santos)