JERUSALEM (AFP) – Hinatulan ng korte sa Israel ng dalawang taong pagkakakulong ang isang Arab Israeli na dating mambabatas matapos itong umamin sa pagpuslit ng mga mobile phone para sa mga presong Palestinian.
Si Basel Ghattas, ng Arab-dominated Joint List, ay nagbitiw sa kanyang puwesto bilang miyembro ng Knesset, ang parliament ng Israel, bilang bahagi ng plea bargain noong nakaraang buwan nang aminin niyang nagbigay siya ng mga cell phone at SIM card sa mga presong Palestinian.
Sinabi ni Ghattas, 60, na ang kanyang aksiyon ay itinulak ng ‘’humanitarian and moral positions towards prisoners’’.
Sisimulan niya ang pagsisilbi sa kanyang sentensiya sa Dekel prison sa Beersheba sa Hulyo 2.