NOORDWIJK, The Netherlands – Itinakda sa Mayo 26 hanggang Hunyo 2, 2017 ang ikalimang serye ng pag-uusap sa pagitan ng Philippine Government (GRP) at ng National Democratic Front (NDF) matapos ang matagumpay na apat na araw nilang pag-uusap dito sa Radisson Blu Palace Hotel.

Napagkasunduan sa ikaapat na serye ng peace talks, mula Abril 2 hanggang 6, ang pamamahagi ng lupa bilang guiding principle sa implementasyon ng agrarian reform na bahagi ng interim ceasefire agreement.

Natutuwa si Norweigan Special Envoy to the Philippine Peace Process Elisabeth Slattum na kahit may mga pagkakaiba ang dalawang panig ay desidido naman silang magkaayos.

Kaugnay nito, tinatayang 220,000 magsasaka ang makikinabang sa negosasyon ng GRP at NDF sa ilalim ng socio-economic agenda.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ng isang impormante na may alam sa mga nagaganap na talakayan para sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) na 650,000 ektarya na ang naiproseso sa ilalim ng Department of Agrarian Reform (DAR) at naghihintay na lamang na ipamahagi.

“The tenants and tillers are the priority. The DAR will determine who will be given the lands,” sabi ng impormante.

(Rocky Nazareno at Beth Camia)