SA korte rin pala aabot ang bangayan nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito tungkol sa anak nilang si Ellie. Nagsampa ng kaso si Jake laban kay Andi para sa joint custody and visitation rights sa kanilang anak.

Nagalit na raw si Jake kay Andi dahil ayaw ipakita sa kanya si Ellie at kung anu-anong alibi ang sinasabi para hindi niya makita ang bata. Ikinagalit din ni Jake ang ginawa ni Andi na ibang petsa ang sinabi sa kanya na graduation ni Ellie sa prep kaya hindi siya nakadalo.

Ang hinihingi ni Jake ay shared custody kay Ellie at fixed date ng visitation rights at sa regular days. Kaya pala puro old photos ang ipino-post ni Jake kay Ellie lately dahil hindi sila nagkikitang mag-ama.

Pati sa Twitter, may parinigan sina Jake at Andi. Sa halip na mag-usap, sa social media na naman naglalabas ng galit sa isa’t isa sina Andi at Jake at asahang lalaki na naman ito. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Ellie ang magsa-suffer sa panibagong gulong ito ng kanyang mga magulang. (NITZ MIRALLES)