WWE's 2014 SuperStars For Kids

SA wakas! Nag-propose na rin si John Cena sa kanyang longtime girlfriend na si Nikki Bella sa WrestleMania 33 nitong Linggo ng gabi.

Naganap ang proposal sa telebisyon matapos matalo ng magkasintahan si Miz at kanyang asawa na si Maryse sa kanilang tag-team match.

At syempre, nag-yes si Bella sa tanong ni Cena.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Halos limang taon na nagde-date sina Cena at Bela at naidokumento ang kanilang relasyon sa patok na reality shows na Total Divas at Total Bellas.

Ibinahagi ng kapatid ni Bella at kapwa wrestler na si Brie Bella ang kasiyahan nito at nag-congratulate sa Twitter.

“Happy tears!!!! They always felt married to me but to see it…wow!!! Welcome to the family @JohnCena.”

Dating kasal si Cena kay Elizabeth Huberdeau mula 2009 hanggang 2012. Bago makipag-date kay Cena, dating naka-date ni Bella ang kapwa wrestler na si Dolph Ziggler. (People.com)