LEMERY, Batangas – Patay ang isang 10-anyos na lalaki habang sugatan naman ang walong iba pa makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Lemery, Batangas nitong Sabado.

Dead on arrival sa pagamutan si John Darwin Aliling, habang sugatan naman sina Constancia Aliling, 58; Joey Reyes, 33; Trisha Catapang, 15; Maria Catapang, 48; at Loyda Catapang, 50 anyos.

Bahagya namang nasugatan sina Donald Banta, 31; at Tesalonica Mendoza, 35 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:00 ng umaga at binabagtas ng Suzuki tricycle na minamaneho ni Banta ang kalsada sa Barangay Malinis nang mag-overtake sa kanan ang nasa unahang tricycle (7939-WQ) na minamaneho ni Donato Aliling, na sugatan din sa aksidente.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nawalan ng kontrol sa minamanehong tricycle si Donato hanggang sa okupahin niya ang kabilang lane at sumalpok sa kasalubong na pampasaherong jeep (DPH-608).

Bumangga naman ang tricycle ni Banta sa isa pang nakaparadang tricycle.

Nabatid na walang driver’s license si Banta nang mangyari ang aksidente. (LYKA MANALO)