DINUMOG ng mga batang kalahok ang Alaska Jr. NBA-Philippines Manila selection camp nitong weekend sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.
DINUMOG ng mga batang kalahok ang Alaska Jr. NBA-Philippines Manila selection camp nitong weekend sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

LUMAGPAS sa 1, 000 kabataang lalaki at babae ang nakilahok at umaasang makakasampa sa National Camp sa isinagawang ikaapat at huling regional selection camp ng Alaska Jr. NBA-Philippines nitong weekend sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

Mga estudyante at maging mga out-of-school youth ang matiyagang pumila at naghintay para sa karanasan na makasama ang mga dating PBA player at college coach sa sports camp na libreng kaloob ng Alaska at NBA.

“Malaking bagay itong basketball camp para mahubog hindi lamang yung talento ng mga bata kundi maging yung character nila. Actually, hindi lang yung talent ang binibantayan namin kundi yung character ng mga participants, kung paano sila makisalamuha at makisama sa kapwa nila,” pahayag ni one-time PBA MVP Willie Miller, isa sa coach na nakatalaga sa skills camp.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Siyempre, malaki ang nagagawa ng malalakas na katawan para magawa ng mga bata yung skills training at malaking tulong ang pagkain ng tama at pag-inom ng Alaska na gatas. Dito pa lang pagbreak puwede silang umion ng libre sa booth,” sambit ni Miller.

Mga kabataang may edad na 10 hanggang 14 ang nakilahok sa Jr. NBA camp kung saan sinukat ang kanilang talento at physical na katangian na nakabatay sa STAR values of Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect ng Jr. NBA.

Pinangangasiwaan ang camp ni Jr. NBA coach Chris Sumner at mga local mentor, sa pangunguna ni PBA Legend Jeffrey Cariaso.

Matapos ang unang araw ng skills, sumabak ang mga napiling players sa scrimmage sa ikalawang araw nitong Linggo. Ayon sa organizer, pipili ng 24 na player (12 lalaki at 12 babae) na sasabak sa National Camp kung saan makakasama nila ang mga kapwa participants na napili sa regional selection na ginawa sa Lucena City (Luzon), Cebu City (Visayas) at Cagayan de Oro City (Mindanao), gayundin nagmula sa Alaska Power Camp.

Nakatakda ang National Training Camp sa MOA Arena sa Mayo 12-14.

Sa National Camp, pipili ng top 16 na mapapabilang sa Jr. NBA at Jr. WNBA All-Stars ngayong taon.