Alex at J.Lo copy

MaLIGAYANG-MALIGAYA at in love si Alex Rodriguez.

Na-hot seat ang dating MLB star nang mag-guest siya nitong Biyernes sa The View, nang tanungin siya tungkol sa kanyang “new lady boo” na si Jennifer Lopez, ng co-host na si Sara Haines.

“No, no it’s obvious. We’ve been having a great time,” aniya tungkol sa lumalalim na relasyon nila ng Ain’t Your Mama singer. “She’s in New York right now. She’s staying in New York.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Patuloy na nagkuwento si Rodriguez tungkol kay J.Lo at sinabi sa crowd na, “She’s a New Yorker. She’s from the Bronx. And a big Yankees fan.”

Simula nang pumutok ang mga haka-haka tungkol sa namamagitan sa kanila noong unang bahagi ng nakaraang buwan, binansagan sila maraming tagahanga ng “J-Rod.” Kinumpirma niya na ginagamit din ito ng kanyang mga kaibigan.

“That’s what Pete Rose calls us,” pagbibiro niya.

Gayunpaman, walang masabing anumang masama si Rodriguez, 41, at puro mabubuting bagay ang bukambibig niya kay J.Lo.

Mayroong siyam na taong gulang na kambal si Lopez, sina Emme at Maximillian sa kanyang dating asawa na si Marc Anthony.

“She’s an amazing girl,” aniya. “One of the smartest human beings I’ve ever met, and also an incredible mother.”

“She just likes simple things,” dagdag niya. “She’s a very dry, simple person. She bows family. Great sister. Great daughter.”

Nang tanungin kung mayroon pang hindi nalalaman ang mga tagahanga tungkol kay Lopez na ikasosorpresa nila, hindi niya naiwasang ibahagi ang nakakatuwang katotohanan tungkol sa teen years ng mang-aawit.

“For one, she was a track star in high school (and) in junior high,” aniya. “She was an awesome athlete.”

At sa edad na 47, hindi pa rin kumukupas ang kagandahan ni J.Lo. Hindi man siya ngayon itinuturing na “track star”, napanatili naman niya ang kanyang malusog na pangangatawan at hindi nahihiyang ipakita ang kanyang flawless na katawan sa pamamagitan ng kanyang mga larawan sa social media.

Bagamat halos mag-iisang buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa, madalas silang magkasama tulad ng kanilang romantic dinner date sa Los Angeles, trip sa Bahamas, getaway sa Miami, at pagharap sa pamilya ni Rodriguez.

(Entertainment Tonight)