GABBY copy copy

FIVE times a week na ngayong nagti-taping si Gabby Concepcion, apat na araw sa afternoon prime drama na Ika-6 Na Utos at isang araw sa sitcom na Tsuperhero. Seven days a week siyang napapanood sa television.

Hindi ba nasira ang schedule niya, lalo na ang bakasyon niya once-in-a-while?

“Medyo affected, pero basta trabahong sinagutan ko, hindi ko ‘yan iiwanan,” sabi ni Gabby. “Siguro ngayong Holy Week, gusto ko rin sanang makasama ang iba ko pang babies, tingin ko kasi sa kanila, mga baby ko pa rin (KC at Garrie).

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Iniimbita ko naman sila, pero alam mo naman ang mga iyan kapag 14 or 15 na sila, kanya-kanya na silang lakad. Kaya kami ng dalawa ko pang anak saka ang wife ko, sa beach lang sa Holy Week.”

Boto si Gabby kay Aly Borromeo, boyfriend ng panganay niyang si KC.

“Sa mga naging boyfriends kasi ni KC, siya lang ang nakilala ko, iyong iba kasi hindi naman nagpakilala. Kaya looking forward ako kapag iniimbita ako nina KC at Aly for dinner. Close sa akin si Aly. Iyon nga lang, ayaw pa ni KC na magpakasal, sabi ko gusto ko nang magkaapo.”

Iba rin pala ang loyalty ni Gabby, kaya hindi niya tatalikuran ang projects na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

“Two years ang pinirmahan kong kontrata sa kanila at gusto kong tapusin iyon bago ako tumanggap ng ibang projects.

May offers na movies, pero minsan lang akong gumawa ng isang indie film at ayaw ko na munang tumanggap ng ibang project. Siguro kapag tapos na ang contract ko sa GMA. Sa kanila muna ako magku-concentrate.”

Thankful si Gabby na extended na hanggang Sabado ang time slot ng Ika-6 Na Utos.

“Never heard na ang isang soap ay mapapanood ng anim na beses isang linggo, first time ito na nangyari at sa amin pang soap. Wala naman kaming reklamo, masaya pa nga kami. At natutuwa rin kami kapag may mall shows kami na ang mga manonood, mayroon na ring Team Georgia at Team Emma. Nang unang ipalabas ito, masaya na kami sa rating na nakuha namin, pero hindi namin in-expect na magiging phenomenal ito nang tumaas nang tumaas ang rating. Kung may ice cream, kahit dirty ice cream sa location namin, iyon pagsasaluhan na namin iyon, sabay ang pasasalamat.”

Pagkatapos ng soap, baka umuwi raw muna sila sa bahay nila sa San Francisco, California. Isang Pinoy din daw ang nagbabantay ng bahay nila roon, na hindi nila pinarerentahan.

Simula sa Sabado, April 1, mapapanood pa rin ang Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga. (NORA CALDERON)