Patay ang isang teenager matapos kuyugin ng isang grupo ng mga lalaki dahil sa umano’y away sa babae sa Quezon City nitong Lunes, iniulat kahapon.

Ilang tama ng saksak sa katawan ang ikinamatay ni Marvin Gaming, 17, second-year college student, nang sugurin siya ni Benjamin Yanson, 19 at dalawa pang lalaki, dakong 1:00 ng madaling araw sa Upper Jasmin Street, Barangay Payatas A.

Kasalukuyang nakakulong si Yanson sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal habang ang kanyang kamag-anak na kinilalang si “Rusty,” at isa pa nilang kasabwat ay patuloy pa ring tinutugis.

Base imbestigasyon, ilang beses nagkaroon ng kumprontasyon sina Gaming at Yanson, kapwa ng Bgy. Payatas A, na nauwi sa bugbugan dahil sa isang babae. Ayon sa pulis dating nobyo si Yanson ng girlfriend ni Gaming.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nitong Lunes, kinumpronta umano ng grupo ni Yanson si Gaming na nauwi sa bugbugan. Dalawang saksi ang nakapagsabi sa pulis na nagsalit-salitan si Yanson at dalawa niyang kasabwat sa pambubugbog sa biktima. Nakita rin umano ng mga saksi na ilang beses sinaksak ni Yanson si Gaming.

Patay na nang isugod si Gaming sa Fairview General Hospital. (Vanne Elaine P. Terrazola)