Nagpiyansa sa Sandiganbayan si dating Palawan governor Edward Hagedorn sa kasong may kaugnayan sa hindi pagdedeklara ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito.

Aabot sa P180,000 ang inilagak na piyansa ni Hagedorn sa kasong 9 na bilang ng paglabag sa Section 7 ng Republic Act 3019, Section 8 ng Republic Act 6713, at perjury.

Sa reklamo ng Ombudsman, sinadya ni Hagedorn na hindi magdeklara ng SALN mula 2004 hanggang 2012 upang maitago ang ilang ari-arian nito, gaya ng mga lupain, sasakyan, at negosyo. (Rommel P. Tabbad)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist