CABANATUAN CITY - Ipinahayag ni National Irrigation Administration (NIA)-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS) Operations Manager Engr. Florentino David na kasado na ang pagsasaayos sa mga irrigation canal na nasira sa pananalasa ng mga bagyong ‘Karen’ at ‘Lawin’ sa buong Nueva Ecija.

Ayon kay David, target na simulan ang mga pagawain sa susunod na buwan para magamit na sa susunod na cropping season.

Partikular sa mga ipagagawa ang mga nasirang irigasyon sa mga bayan ng San Antonio, Sta. Rosa, Jaen, Aliaga, Zaragoza at iba pang mabababang lugar. (Light A. Nolasco)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder