Ateneo's Bea De Leon (left) and Jia Morado (Rio Leonelle Deluvio)DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng defending champion Ateneo de Manila upang pormal na makumpleto ang 14-game elimination round sweep sa UAAP Season 79 men’s volleyball tournament matapos makamit ang ika-12 sunod nilang panalo kahapon.

Matapos makalusot sa matinding hamon ng University of the East sa first frame, inilabas ng Blue Eagles ang tunay nilang laro bilang reigning back-to-back champions sa sumunod na dalawang sets upang mapataob ang Red Warriors, 27-25, 25-19,25-14 kahapon sa San Juan Arena.

Nagtala ng game high 19 puntos ang three-time MVP na si Marck Espejo tampok ang 13 kill at limang block upang pamunuan ang ika-12 dikit na tagumpay ng Blue Eagles.

Nagdagdag naman ng tig-7 puntos sina Anthony Koyfman at Rex Intal habang nag-ambag si setter Ish Polvorosa ng 32 excellent set at 13 excellent dig at 10 reception si Manuel Sumanguid III.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naging malaking kawalan para sa UE ang hindi paglalaro ng kanilang top hitter na si Edward Camposano na sinamang-palad na nagtamo ng ACL injury.

Pinamunuan ang Red Warriors na bumagsak sa markang 1-11, ni Clifford Inoferio na may 15-puntos at walang nakuhang sapat na suporta mula sa kanyang mga teammates. - Marivic Awitan