CAMP MACABULOS, Tarlac City - Sa halagang limang piso ay nahalay ng isang 15-anyos ang isang dalagang may kapansanan sa pag-iisip sa Sitio Silangan, Barangay Mapalacsiao, Tarlac City, Biyernes ng umaga.

Ayon kay PO2 Marie Larmalyn Nuñez, mag-isa sa bahay ang 22-anyos na dalaga nang pasukin siya ng suspek, bola-bolahin at bigyan ng P5 bago hinalay.

Dinala ang binatilyo sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Tarlac City Police bago ililipat sa kustodiya ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog