Hindi hihingi ng tawad sa publiko si Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo kaugnay sa kanyang videotaped message na bumabatikos sa giyera kontra ilegal na droga ng gobyerno at paglantad sa “palit-ulo” scheme sa United Nations, sinabi ng kanyang tagapagsalita.

“We don’t see any reason for her to make an apology. What is VP doing here is give voice to ordinary Filipino families who has no one to approach for help and who fear for their lives,” saad ni Georgina Hernandez.

Idiniin ni Hernandez na bahagi ng mandato ng Vice President na ibunyag ang katotohanan at ipakita sa mamamayang Pilipino na maaasahan nila siya.

Nahaharap si Robredo, interim chair ng Liberal Party, sa posibleng impeachment case dahil sa betrayal of public trust bunga ng anim na minutong video nito sa 60th UN Commission on Narcotic Drugs annual meeting sa Vienna, Austria.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lumiham na ang mga abogadong sina Oliver Lozano at Melchor Chavez kay House Speaker Pantaleon Alvarez na humihiling sa kanya na iendorso ang impeachment complaint laban kay Robredo.

Ngunit para sa legal adviser ni Robredo na si Barry Gutierrez, ang pagsasabi ng katotohanan sa harap ng international body ay hindi impeachable offense.

“From the start, VP Leni is committed to actually performing her responsibilities as the vice president. She is true to her oath to uphold the Constitution and serve our countrymen,” aniya.

“In return if there are people who thinks she needs to be harassed politically without basis, we have no option but to face it,” dugtong ni Gutierrez. (Raymund F. Antonio)