denzel-bowles-talk-n-text-photo-3-1-2017 copy copy

MATAPOS mag-alsa balutan si Octavius Ellis sa Alaska Aces, hindi na rin tumuloy si dating Best Import awardee Denzel Bowles para sandigan ang Talk ‘N Text sa 2017 PBA Commissioners Cup

Mismong si coach Nash Racela ang nagkumpirma sa pagpapa-uwi ng management kay Bowles bunsod umano ng problema sa pakikisalamuha nito sa local players. Naglaro ang Katropa na walang import sa tune-up game laban sa Star Hotshots – ang dating koponan na pinagbidahan ni Bowles.

Ayon kay Racela, wala pa silang nakikitang makakapalit ni Bowles kung kaya’t posibleng simulan nila ang kampanya na all-Filipino.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hopefully by next week, meron na kaming import,” pahayag ni Racela.

Kumpara naman sa Alaska na wala ng panahong makapag-adjust sa nakuhang bagong import, swerte naman ang Texters dahil sa susunod na Biyernes pa sila sasalang kontra Meralco. (Marivic Awitan)