MAS malaking papremyo ang naghihintay sa bayang karerista simula sa Marso 26 para sa ilalargang Philracom-Philippine Racing Club Inc. Special invitational Race.

Ito ay batay sa isusulong na bagong rating-based handicapping system batay sa standard na ipinapatupad ng international Federation of Horseracing Authorities (IFHA).

Sa bagong handicapping system, may garantisadong P130,000 premyo para sa mananalo, habang may karagdagang premyo na P120,000 para sa Grade 1 horse (1,600 meters), P90,000 at P60,000 sa Grade 2 at 3 horse (1,300 meters). Sa bagong premyo, pantay-pantay na ipamamahagi ang premyo mula a kampeon hanggangh ikaapat na puwesto.

Ang deklarasyon para sa mga ilalahok sa Philracom-PRCI Special Invitational Race ay sa Marso 20 sa Philracom office.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pangangasiwaan ng Philracom ang handicap weights ng mga lahok na kabayo sa Marso 21 at isusumite ito sa PRCI sa susunod na araw. Nakatakda naman ang drawing of lots sa Marso 23 sa PRCI. Walang weight allowance para sa apprentice jockeys. Ang paghahati ng grupo ay ibabatay sa rating. Sakaling may parehong rating, ang paghihiwalay ay ibabase sa drawing of lots.

Kamakailan, dumating sa bansa si International racing consultant Ciaran Kennelly para tulungan ang Commission sa programa nitong mapataas ang kalidad ng mga karera at benepisyo para sa industriya na nababatay sa IFHA standard.

Sa isinagawang reviewd sa programa ng Philarcom’s Racing Programmed, naghanda ng draft ang high-profile IFHA executive para sa rating-based handicapping system.

Samantala, 10 kalahok ang sasabak sa 2017 Philracom 3YO Local Fillies and Colts Stakes Race sa Marso 19 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite na may distansiyang 1,500 meters.

Ang mga entry ay Biglang Buhos ng Stony Road Horse Farm, Hiway One ni Joseph Dyhengco, Golden Kingdom ni Lamberto Almeda Jr., Lemonada ni Leonardo Javier Jr., Metamorphosis ni Herminio Esguerra, Stravinsky ni Narciso Morales, Valkyrie ni Francisco Paolo P. Crisostomo, White Chocolate ni Patrick Uy at coupled entry na Mount Pulag at Pangalusian Island ni Wilbert Tan.

Kabuuang P1,000,000 ang nakataya sa kararea tampok ang P600,000 para sa kampeon at P225,000 sa runner-up. May P125,000 at P50,000 para sa ikatlo at ikaapat.