Handang-handa na sa mabigat na laban si OPBF light welterweight champion Al Rivera sa hahamunin niyang si WBC International super lightweight titlist Aik Shakhnazaryan sa Sabado sa KRC Arbat, Moscow sa Russia.

Kasalukayang No. 14 si Shakhnazaryan at No. 15 naman si Rivera sa WBC rankings na kampeon ang Amerikanong si Terence Crawford kaya tiyak na aangat sinuman ang mananalo sa Russian at Filipino boxers.

Dating European at Baltic super lightweight champion si Shakhnazaryan na nabigo sa kanyang unang world title bout nang talunin via 8th round knockout ni ex-IBO light welterweight champion Eduard Troyanovsky na isa ring Russian noong Abril 10, 2015 sa Moscow.

Sa edad 23 lamang, may rekord si Shakhnazaryan na 19-2-0 na may 10 panalo sa knockouts at nangako siyang patutulugin si Rivera na may kartada namang 17-2-0 na may 15 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngayon lamang lalaban sa Russia si Rivera bagamat natamo niya ang bakanteng OPBF super lightweight title nang patulugin si Japanese champion Shinya Iwabuchi sa 7th round noong Pebrero 11, 2016 sa Tokyo, Japan at tuluyan nang nagretiro sa boksing ang Hapones. (Gilbert Espeña)