MATAPOS sumubok sa Mixed Martial Arts (MMA), magbabalik sa professional boxing si Filipino-American at dating WBO at IBA female super bantamweight champion Ana Julaton na kakasa kay six-time world title challenger Maria Jose Nuñez sa 8-round featherweight bout sa Marso 25 sa Unidad Deportiva, Campeche, Mexico.

Ito ang unang laban ni Julaton mula nang mauwi sa draw ang laban niya kay Mexican Karla Valenzuela noong Agosto 12, 2016 sa Merida, Yucatan, Mexico.

Dalawang beses nang lumaban si Julaton sa featherweight division kapwa kay one-time world title challenger Mexican Yolanda Segura na tinalo niya sa 10-round unanimous decision noong 2012 at 6-round unanimous decision noong 2015.

May rekord si Julaton na 14-4-2, at umaasang magwawagi kay Nuñez para makasabak sa world title bout sa kanyang susunod na laban. (Gilbert Espeña)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!