May 13, 2026

Home BALITA National

PBBM, nanindigan sa paggalang sa editorial independence at press freedom

PBBM, nanindigan sa paggalang sa editorial independence at press freedom
Photo courtesy: via MB

Nagbigay ng kaniyang mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa ika-126 anibersaryo ng pagkakatatag ng Manila Bulletin, nitong Lunes, Pebrero 2, 2026.

Sa kaniyang mensahe na iniulat ng Manila Bulletin, binigyang-diin ng Pangulo na ang patuloy na paghinog ng demokrasya sa Pilipinas ay nangangailangan ng isang media company na may malayang pamamahayag at may pananagutan sa pagbabalita.

"As we advance the work of maturing our democracy, we require a press that operates freely and responsibly," aniya.

Ayon pa sa Pangulo, kinikilala ng pamahalaan ang tungkulin nitong pangalagaan ang mga garantiya ng Konstitusyon, igalang ang editorial independence ng media, at palakasin ang mga institusyong nagtataguyod ng transparency at accountability.

Binigyang-diin din ni PBBM na nananatiling mahalaga ang papel ng press sa pagpapanatili ng mga institusyong media na nagpapalawak ng kamalayan ng mamamayan at nagpapataas ng antas ng pampublikong diskurso.

National

'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!

"The government affirms its role by safeguarding constitutional guarantees, respecting editorial independence, and strengthening institutions that commit to transparency and accountability," he added.

Sa kaniyang pagbati sa Manila Bulletin, kinilala ni PBBM ang publikasyon bilang isa sa iilang institusyong nasaksihan ang paghubog ng bansa “sa edisyon kada edisyon.”

Aniya, ang pagkakatatag ng pahayagan sa pagsisimula ng ika-20 siglo ay naganap sa panahong natututo ang Pilipinas na magsalita sa modernong wika ng pagkabansa habang nagbabago ang mga rehimen at nire-redefine ang mga pampublikong institusyon.

"Founded at the dawn of the 20th century, the Manila Bulletin took shape at a moment when the Philippines was learning how to speak in the modern idiom of nationhood. It began publication as regimes changed and public institutions were being redefined, marking it as an important witness to milestones in the narrative of the Republic," saad niya.

Binanggit din ni Marcos na ang pagdiriwang ng anibersaryo ay nagsisilbing paanyaya upang pagnilayan kung ano ang ibig sabihin ng pagsasagawa ng pamamahayag sa nagbabagong panahon.

Paliwanag ng Pangulo, ang awtoridad ng pampublikong pag-uulat ay nagmumula sa maingat na paghawak sa mga katotohanan, tamang konteksto, at pag-unawa na ang ulat ngayon ay nagiging katotohanan ng bukas.

Ang hamon aniya sa kasalukuyan ay ang mapanatili ang disiplina ng pamamahayag sa gitna ng mga bagong anyo ng produksiyon at sirkulasyon ng balita, nang hindi ipinagkakamali ang bago sa makabuluhan, at nang hindi isinasakripisyo ang katumpakan kapalit ng sensasyonalismo.

"An anniversary such as this asks what it means to practice journalism when conditions continue to change. Methods evolve, and expectations shift, yet the essential labor remains rooted in discernment," aniya.

"Public reporting draws its authority from the careful handling of fact, attention to context, and an understanding that today's report becomes tomorrow's truth," dagdag pa ng Pangulo.

Ipinagdiriwang ng Manila Bulletin ang ika-126 anibersaryo nitong Lunes, Pebrero 2, 2026. Kabilang sa highlight ng pagdiriwang ang paggawad sa mga indibidwal na itinuturing na "Newsmakers." Isasagawa ang seremonya sa Manila Hotel.

Beethena Unite