May 21, 2026

Home BALITA National

‘Tan-ok ni Ilocano’ coin, mabibili na sa Pebrero 28 at Marso 9

‘Tan-ok ni Ilocano’ coin, mabibili na sa Pebrero 28 at Marso 9
Photo courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (FB screenshot)

Mabibili ang “Tan-ok ni Ilocano’ coin ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang parte ng pagdiriwang ng ika-208 anibersaryo ng Ilocos Norte. 

Ibinahagi ng BSP sa social media page nila noong Linggo, Pebrero 1, na ang pagtatampok sa Tan-ok ni Ilocano ay layong ipakita ang mga makukulay na tradisyon mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Ilocos Norte. 

Anila pa, ang Tan-ok ni Ilocano coin ay pangalawa nang pagtatampok sa ilalim ng 100-Piso Philippine Festivals Commemorative Coin Series ng BSP. 

Ang bawat barya ay mabibili sa halagang ₱5,000 sa BSP Pop-up Store sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium, Laoag City, sa Pebrero 28, at sa BSP Store naman sa Marso 9. 

Sa kaugnay na ulat, ang Tan-ok ni Ilocano o Greatness of the Ilocano ay kinikilala bilang pista ng mga kapistahan sa Ilocos Norte, kung saan binibigkis ang kuwento at kultura ng mga Ilocano gamit ang sayaw at musika. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ang nasabi namang 100-Piso Philippine Festivals Commemorative Coin Series ay isang set ng 12 silver coins na ipinapakita ang iba’t ibang kultural na pista sa buong bansa. 

Bawat edisyon ay maaaring mabili sa halagang ₱5,000. 

Ang nauna na sa series na ito ay ang Sinulog festival ng Cebu noong Enero. 

Sean Antonio/BALITA