J.Lo at Alex copy

DATING ngayon sina Jennifer Lopez at Alex Rodriguez. Ito ang kinumpirma ng source na malapit sa dating manlalaro ng New York Yankees sa ET. Gayunman, “they don’t consider themselves exclusive,” saad ng isang source.

Nakilala na ng singer ang pamilya ni A-Rod, ayon sa ulat ng People, at idinagdag na ilang linggo nang lumalabas ang dalawa bagamat hindi naman nagmamadali at hindi pa naglalagay ng anumang label sa kanilang relasyon.

Parehong nanggaling sina Rodriguez at Lopez sa high-profile relationship. Katatapos lang maghiwalay ng MLB star at ng kanyang girlfriend, ang business at tech mogul na si Anne Wojcicki. Halos isang taon silang naging magkarelasyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, nagkaroon naman ng romansa si J.Lo kay Drake simula noong Disyembre. Nag-post ang dalawa ng PDA-heavy photos sa Instagram sa maikling panahong ugnayan nila, ngunit hindi nila opisyal na kinumpirma na naging magkasintahan sila.

Pareho ring magulang sina Lopez at Rodriguez. Mayroong dalawang anak na babae si Rodriguez, sina Natasha,12, at Ella, 8, sa kanyang dating asawa na si Cynthia Scurtis, at mayroon namang kambal ang On The Floor singer na sina Max at Emma, 9, sa kanyang dating asawa na si Marc Anthony.

Sinubukang kontakin ng ET ang kinatawan ni J.Lo, ngunit tumanggi siyang magbigay ng komento. (ET Online)