Iginiit ni Senator Leila de Lima na dapat tiyakin ng pamahalaan ang seguridad ng mga abugadong may hawak ng sensitibong kaso sa harap ng mga pamamamaslang sa ilan sa kanila.
“This recent spate of killings victimizing members of the Bar makes it imperative for the government to enact measures for the personal and professional safety of Filipino lawyers and to effectively prevent attacks on their independence and safety,” saad sa resolusyon ni De Lima.
Binanggit ng senadora si Atty. Rogelio Bato, abugado ng pinaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, na binaril at pinatay noong Agosto 24, 2016 sa Tacloban; Atty. Melver Tolentino, pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Ilocos Sur noong Setyembre 16; Atty. Goering Paderanga at anak nito na binaril ng isang guwardiya sa Cebu City noong Disyembre 22; at si Atty. Mia Mascariñas-Green, na tinambangan sa Bohol nito lamang Pebrero 15. (Leonel M. Abasola)