Mas maraming Pilipino ang naniniwala na karamihan ng babae sa Pilipinas ay pantay lang sa mga lalaki, kumpara sa mga naniniwalang hindi pantay ang pagtingin sa kababaihan at kalalakihan, batay sa resulta ng Pulse Asia survey kahapon.

Sa nationwide survey noong Disyembre 6-11 na binubuo ng 1,200 respondents, 41 porsiyento ng kababaihan sa bansa ay hindi nakararanas ng pagmamaliit.

Ito ay base sa opinyon ng mga taga-Metro Manila at Mindanao na umabot sa 50% at 48%, ayon sa pagkakasunod. Habang 35% at 37% naman sa Luzon at Visayas, ayon sa pagkakasunod.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Samantala, tatlo sa 10 Pilipino ang naniniwala na hindi pantay ang pagtingin sa babae at lalaki sa Pilipinas, at minamaliit ang abilidad ng mga babae.

Sa resulta ng Pulse Asia survey, 33% ng mga Pilipino ang sumang-ayon na mayroong hindi pagkakapantay sa pagitan ng lalaki at babae, at minamaliit ang kakayahan ng huli.

Ito ay base sa opinyon ng mga taga-Luzon at Visayas na may resultang 40% at 42%, ayon sa pagkakasunod. Habang ang mga sumang-ayon sa mga taga-Metro Manila at Mindanao ay 18% at 21%, ayon sa pagkakasunod.

Lumalabas din sa nasabing survey na 36% ng mga babae at 30% ng mga lalaki ang naniniwala na may gender inequality sa bansa.

Nasa 26% ng mga Pilipino ang undecided kung sasang-ayon sila o hindi sa nasabing isyu.

Kaugnay nito, kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day kahapon ay pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kababaihan at sinabing sila ay mga bayani.

“May this special day, commemorating the milestone of women’s historic struggle for equality across the globe, spur everyday awareness and inspire change in attitudes in families, communities and the country,” pahayag ni Duterte.

KABABAIHAN SA PILIPINAS

Ayon kay Duterte, ang kanyang respeto sa kababaihan ang dahilan kung bakit niya patuloy na kinikilala ang kadakilaan at kontribusyon ng mga ito.

“We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground for outstanding women in various sectors. My administration shall strive to maintain this distinction as well as to continue to recognize their invaluable contributions is sports, science, governance, education, public service and the arts,” aniya.

RANKING

Sa kanyang mensahe, ipinagmalaki rin ni Duterte ang mataas na posisyon ng Pilipinas sa hanay ng 144 ekonomiya pagdating sa gender equality.

“The Philippines ranks high in the Asia Pacific region and in the world in terms of gender equality,” ayon sa Pangulo.

Base sa Global Gender Gap Report 2016 ng World Economic Forum (WEF), napanatili ng Pilipinas ang posisyon nito bilang ikapitong most gender-equal society sa mundo, kasunod ng Iceland, Finland, Norway, Sweden, Rwanda, at Ireland.

(Ellalyn de Vera-Ruiz at Argyll Cyrus B. Geducos)