Duguan at sugatan ang isang motorista nang bumaligtad ang sports utility vehicle (SUV) na kanyang minamaneho dahil sa pagkakabangga sa isang taxi sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na agad isinugod sa pinakamalapit na ospital dahil sa sugat sa ulo at katawan.

Sa inisyal na ulat ng Pasay Traffic Department, dakong 1:20 ng madaling araw nangyari ang aksidente sa NAIA Road ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang Honda Civic (ZLP 285) at tuluyang sumalpok sa taxi (WOR 336).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa lakas ng pagkakabangga, bumaligtad ang SUV habang nayupi naman ang harapan ng taxi.

Hindi naman nasugatan ang taxi driver sa aksidente. (Bella Gamotea)