Nagbabala si Pangulong Duterte sa mga pari na ipakukulong niya ang mga ito kapag hindi tumigil sa “pangingikil” sa mga mananampalataya.

Ito ay matapos madismaya ang Pangulo sa nabalitaang pang-aabuso ng mga ito, sinabing walang ginawa ang mga ito kundi magparinig, mangolekta ng pera, at tumira sa kani-kanilang palasyo.

“Jesus Christ was nailed to a wooden cross…Look at the cross in your necklaces, it’s gold. The chalice is also gold.

I suggest they should sell those, buy rice for the poor,” sabi ng Pangulo sa salitang Bisaya sa kanyang pagbisita sa Cebu City nitong Huwebes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“And stop collecting. If you don’t, I will have you arrested for extortion,” dagdag niya.

Binago ng Pangulo ang istilo ng kanyang pagbira laban sa mga paring umaatake sa kanyang human rights records.

Isiniwalat niya na nagpapakasasa sa buhay ang mga pari ngunit hindi man lang tinutulungan ang pamahalaan sa pagpapatayo ng drug rehabilitation facilities.

“I have a country to preserve and that is the Filipino nation. It has nothing to do with religion,” aniya.

“When were you really true to your vocation? There are so many of you there. You preside masses every Saturdays and Sundays. The priests are rich but I never saw a rehab center built by them. Where did the people’s money go?” tanong ng Pangulo. (Genalyn D. Kabiling)