Tatlumpu’t limang sawimpalad na overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang tinulungang makauwi ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Sinabi ni OWWA Deputy Administrator Brigido Dulay, nangangasiwa sa Repatriation Assistance Division (RAD), na pawang babae ang mga umuwing OFW.

Bibigyan ang mga umuwing OFW ng referral para sa lokal na trabaho sa Bureau of Local Employment (BLE) o trabaho sa ibang bansa sa tulong ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at skills training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya