MANAOAG, Pangasinan - Patay na nang matagpuan ang isang magkapatid na menor de edad sa isang ilog sa Barangay Sapang sa Manaoag, Pangasinan.
Sa ulat kahapon ng Manaoag Police, natagpuan ng isang grupo ng mga maliligo sa ilog ang palutang-lutang na bangkay nina Irish Mae Relosa, 15; at Angel Joy Relosa, 12, kapwa taga-Sitio Sagun, Bgy. Pugaro, Manaoag, bandang 4:00 ng hapon nitong Sabado. (Liezle Basa Iñigo)